Updates Lang!



3.5.07 - Election na naman! Naaamoy n’yo na ba ang mga “pabango” ng mga politicians? Maging matalino sana kayo sa pagpili ng mga public servants… hahaha! Baka maloko lang kayo sa mga pangako, nakakaindak na jingles, mga libreng pakain sa mga Meeting de Abanse at iba pang diversions para mapain kayo sa kanilang bitag… Sa mga boboto lang, sa mga hindi naniniwala sa election…Congratulations! Walang pagkakataon na maloko kayo…

Sa lahat ng mga Comrades… patapos na ang demo namin para sa 5th album, four songs na lang ang walang vocals, sana magawa ko na bukas! Renmin, gawin na natin bukas ang recording para mabilis at baka mag-iba pa ang ihip ng hangin…Teta, Go na yung invitation ng Kabataan Partylist,…. Jeph, kailan ka pwede sa rehearsal? (itext ko na lang kayo no?) Di naman ako ang band leader, ba’t ba ako nagreremind sa inyo! Hahaha!
“QT, wala ka lang maisulat kaya ganyan ka!” Hahaha!

Happy Birthday Mantra (get well soon)… Happy Birthday best Marlet… Happy Birthday Rissa…

Sige, hanggang sa susunod na pagsusulat ko at pagbabasa nyo! Salamat po!